Friday, September 19, 2008

Now Showing sa Tiangge

Manong!!!
Crooning on my Stereo: "Akala" by Parokya ni Edgar

Isa akong movie addict.. araw-araw kapag walang trabaho, lahat ng oras ko ay nauubos nalang sa panunood.. kaya halos napanood ko na lahat ng Pirated DVD na binibenta sa mga tiangge at suking muslim.. nitong isang araw pagdaan ko sa isang bangketa dyan sa may walterMart may lalaking nag approach sa akin.. sinabi nya "Sir, anu po ang hanap nila? meron po kaming bago dito.." sabi ko naman "Anu yun?" sabi ng manong "PIRLIZ"...
Nasabi ko nalang sa sarili ko.. "WOW!!, makakanuod ako ng medyo hindi ko pa alam ah?" Sabi ni manong "Maganda to dudong 3ng beses ko na to pinapanuod.. Action to" Tapos tinanong ko sya kung sino ang bida.. Buong galak nyang sinabi na.. "Bida Sir? Si DYIT LI Sir!!" Ayun ang tinutukoy pala nya "fearless starring Jet Li".. Nawalan na naman ako ng pagasa.. ehehehe "NILOLOKO AKO NG MANONG NA TO AH??!!"

No comments:

Post a Comment