
Crooning on my Stereo: "Ale" by The Bloomfields
Tuesday, 6:00pm.. Natatanaw ko ang pinaghalong violet at orange na kulay ng langit (Ang GANDA) tahimik ang room my nagrereport kasi.. Lumipas ang oras hanggang sa natapos ang report. Hindi naman talaga ako nakikinig ng biglang pinalibot ni ma'am ang upuan. Tapos, isa-isa kming pinabunot ng card na may series of questions na talaga namang bonggang-bongga, may drama sa pamilya, tungkol sa desire, kung anong ginagawa kapag magisa lang.. All sorts of question.. May nagiyakan, tawanan..
My turn came, ang napunta saking tanong ay.. "WHAT WAS THE BIGGEST SURPRISE, YOU EVER HAD?" hehehe bukod sa nasurprise tlaga ako nung sagutin ako ng GF ko. Unang pumasok sa isip ko ay...
G'g= tawag ko sa GF ko
Araw ng birthday ko.. My G'g is in makati kasi dun sya nagaaral, kaya text lang ang means of communication nung binati nya ako ng HappyBirthday!!! 12:00am na pagtapos nya ako batiin nag dasal na kami at natulog.. Naalimpungatan ako ng mga bandang 5:00-6:00, kasi may tumatawag sa labas, kumakanta na sya mula ng buksan ko ang gate hanggang sa pagpasok namin sa bahay, nagising ang buong bahay namin at lahat sila nakisabay sa pagkanta (doon lang yata nila natandaan na birthday ko nga pala nung araw na yun). Habang kmkanta sya, may dala syang mamon na may kandila sa taas. (mamon lng daw muna, wala pa daw syang pambili) Pinahipan sakin at nag wish ako.
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. NAIIYAK AKO..
na SURPRISE ako ng sobra.. To think na nasa Makati sya, at may pasok pa the next day..Kahit mamon lang yun alam ko yung pagod, hirap at sakripisyo na kasama nun, parang cake narin ang katumbas nun, mas malaki pa.. hehehe hindi naman talaga ako mahilig sa mamon, pero kinain ko yung mamon ko at nasarapan ako..
Guys.. kayo? What have you done lately?
No comments:
Post a Comment